^

Para Malibang

Strawberry sa Taghiyawat

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Ang strawberry ay ma­bibili ng buong taon sa mga palengke at kalapit na supermarket. Hindi ito mahirap hanapin gaya ng mga prutas na seasonal lamang kaya naman abot-kamay na rin ang mga benepisyo nitong taglay.

Heto ang ilan sa mga benepisyo ng strawberries:

1. Mayroon itong anti-oxidant na ellagic acid na tumutulong na ayusin ang nasirang collagen sa ating balat na siyang sanhi ng pagkakaroon ng mga kulubot. Dahil diyan, mas magmumukhang bata ang balat at mababawasan din ang pangungulubot at pagtanda nito.

2. Likas na acidic ang strawberry kaya makatutulong ito upang mawala ang acne/taghiyawat sa ating mukha.

3.  Mainam din ito sa mga taong may oily skin. Gumawa lang ng strawberry mask, durugin lang nang mabuti ang laman ng prutas at haluan ito ng honey. Ibabad sa mukha ng 15-30 minuto at banlawan.

4. Kung sawa na sa papaya ay subukan naman ang bisa ng strawberry sa pagpapaputi. Kuhain lamang ang katas ng prutas na ito at ipahid sa katawan ng 20 minuto bago maligo. Epektibo rin ito sa pagpapaputi ng dark spots na sanhi ng tigyawat na natuyo.

5. Dahil sa taglay na vitamin C, nakapagpapaputi rin ng ngipin ang strawberry dahil tinatanggal nito ang mga nabuong plaque sa ngipin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with