^

Para Malibang

Tamang Pagpapakulo ng Gulay

BURP - Koko - Pang-masa

BURP TIPS

Madali lang ang magpakulo ng tubig maging ng mga pagkain. Bukod sa walang masyadong ingredients ang nilaga o pinakuluang pagkain, maaari pa itong iwanan at balik na lamang kung luto na.

Pero minsan ay nagiging lasog ang gulay na pinakukuluan. Hindi rin masyadong maganda kung sobrang napakuluan ito dahil nawawalan ito ng sustanya. Mayroon naman na matigas kapag mali ang paraan ng pagpapakulo.

Alam n’yo rin ba na dalawang paraan ang pagpapakulo ng gulay? Ang mga gulay na tumutubo sa ilalim ng lupa ay dapat inilulublob sa tubig at sabay na pakuluan para maluto. Kung hindi ay magiging matigas o hindi pantay ang pagkaluto nito. Ilang halimbawa nito ang carrots at patatas.

Ang mga tumutubo naman sa itaas ng lupa ay dapat ilalagay kapag kumulo na ang tubig. Halimbawa naman nito ang talong, kangkong, at upo. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with