^

Para Malibang

Pangalawang Anino (213)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

TUWANG-TUWA si Sheila sa pag-uwi ni Nanette. Niyakap kaagad ito.

“Anak ko, akala ko hindi ka na namin makikita.”

“Puwede ba naman ‘yon, Inay? Kaya ko po nagawa ang misyon ko sa puting bundok ay dahil inspirasyon ko kayo. Alam ko, kapag natapos ko ang lahat na sakripis­yo doon, makakauwi na ako at magkikita na tayo.”

“Nagtagumpay ka ba, anak?”

“Opo. Naakyat ko ang bundok, Inay at nanalo sa lahat na pagsubok.”

Pabulong na ang tanong ni Sheila. “Anak, bakit nandidito rin ang Itay mo?”

Ikinuwento ni Nanette ang nangyari sa ama.

“Diyos ko po. Grabe pala ang kasamaan ni Yawan. Mabuti na rin at humiwalay na sa kanya ang una niyang anino. Kundi baka mahawa pa.”

“So, Inay ... okay lang ba sa inyo ng mga kapatid ko na dito si Itay. Ipagamit na lang po natin sa kanya ang silid na malapit sa kusina.”

“Sige, anak. Ginagamit ‘yon ng kapatid mong lalaki pero puwede naman siya na dalawa na lang sila ng Itay mo doon.”

Pinagpahinga muna nila si Roger.

Saka nagkuwentuhan ang mag-ina tungkol kay Arturo.

“Kailangang iligtas ko si Arturo, Inay. Kailangang hindi makuha nina Yawan ang kanyang kaluluwa.”

“Gawin mo ang iniisip mong tama, anak. Pero mag-ingat ka sana, tulad niyan, tiyak na pupuntahan mo si Arturo sa bahay nina Yawan. Ano kaya ang gagawin nila sa ‘yo?”

“May kapangyarihan na ho ako, Inay ... lalaban na ho ako. Sa tamang paraan. Sige ho, aalis na ako.”

DUMIRETSO si Nanette sa bahay nina Yawan.

“Bakit parang walang tao”

 Kumatok siya. “Si Nanette ito. Half-sister ni Yawan.”

“Maya-maya ay bumukas na ang gate ng mamaha­ling bahay. Si Yawan.

“Paano mo nalaman na dito na kami nakatira?”

 “Hindi puwedeng hindi ko malalaman. Halos lahat na tao dito sa ating lugar ay alam ang lahat na kasamaang pinaggagawa mo. At alam din nilang pinangatawanan mo na ang pagyaman sa maling paraan. Kaya memoryado na nila ang address mong pangmayaman.”

“Bawal ka dito!” Sigaw ni Yawan.

“Kailangan kong makausap si Arturo.”

“Wala ka nang karapatan. Asawa ko na siya! Lumayas ka na!” Nanlilisik ang mga mata ni Yawan.   

          -  ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with