^

Para Malibang

Pangalawang Anino (212)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NASASAKTAN si Nanette. Kasal na si Arturo kay Yawan.

“Kasal sila pero hindi sa batas ng ating Diyos. Ikinasal sila ng pinakahari ng mga demonyo. Aywan ko kung maituturing iyung totoong kasal, Nanette.”

“Itay, totoo mang kasal o hindi, ang malinaw sa akin ay hawak na ng kasamaan si Arturo. Ikinasal na sila ni Yawan ng mismong pangulo ng dilim. At hindi ako makakapayag. Dahil ang ibig sabihin ay mapupunta sa impiyerno ang kaluluwa ni Arturo kahit mabuti siyang tao.”

“Ano’ng gagawin mo ngayon, anak?”

“Ililigtas si Arturo. Bilang banal, wala na akong karapatang umibig. Hindi na ako puwedeng magmahal at magbigay ng aking buhay sa iisang tao lamang. Ang aking pagkatao ngayon ay pag-aari na ng lahat na nangangailangan. Pero ililigtas ko muna si Arturo. Ayokong madagdagan ng kaluluwa ang impiyerno, kaluluwa ng mahal ko.”

“Ang alam ko, hindi na sila nakatira dito. Dahil marami nang pera sina Alona mula nang nanununog ng mga ari-arian si Yawan sa mga hindi nagbibigay sa kanya ng pera.Lumipat na sila sa siyudad, nakatira sa isang malaki at magandang bahay. Nakabili na ng kotse.”

“At kasama nila si Arturo.”

“Natural iyon. Dahil mag-asawa na nga sila.”

“Pupuntahan ko na si Inay at mga kapatid ko. Kailangang ma-convince ko si Inay na lumipat na sila ng matitirhan. Iyung hindi kaagad matutunton ni Yawan. Para ligtas sila.”

“Maari kayang sumama na lang ako sa kanila, anak? Wala na akong mapuntahan, ayoko na kina Alona.”

“Talaga namang doon ka na sa kanila, Itay. Makikiusap uli ako kay Inay na patawarin na kayo.”

NAGBABALA ang hari ng kadiliman bago umalis.

“Yawan, ang kapatid mo sa ama, si Nanette ... uma­ngat na ang katayuan. Ang puting bundok ay naakyat niya at nakaligtas siya, isa na siyang banal. Sa susunod na paghaharap ninyo, hindi mo na siya madaling masaktan.”

“Hindi ako natatakot sa kanya. Kaya ko siyang patayin.”

“Umakyat sa puting bundok para malabanan ka. Hindi mo siya basta-bastang mapapatay. Huwag ka sanang hangal.”

“Babawiin niya sa akin si Arturo?”

“Ang kaluluwa ni Arturo para hindi mo madala sa impiyerno, iyon ang mahalaga sa kanya. Hindi na ang katawan ni Arturo.” Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with