^

Para Malibang

Pangalawang Anino(211)

Gilda Olividado - Pang-masa

LUMAPIT sina Na­nette at Roger sa basura­han kung saan nakapaligid ang mga patak ng natutuyong dugo.

“Baka nga nandidito ang kaputol mong dila, ama ko.”      

Mabilis na binuksan ni Roger ang takip ng basurahan. Puno ito ng mga basura.

Hinalukay niya.

At nakita nila.

Pero mismong si Ro­ger ay natatakot hawakan ang sariling dila.

Nanginig ito, tumulo ang mga luha.

“Pabayaan mo na ako, Itay.” At si Nanette ang maingat na humawak at naglabas ng bahagi ng dila ni Roger mula sa loob ng basurahan.

Nang mahawakan na ng dalawang kamay ay pumikit, nagdasal.

At unti-unting nawala ang bahagi ng dila ni Roger sa mga kamay ng dalagang banal.

Natakot si Roger nang makitang nawawala ang kanyang dila.

Napasigaw ito. “Nanette! Nawawala ang dila ko! Nawawala!”

Ngumiti si Nanette nang humarap sa kanyang ama. “Aking ama, kung nawawala ito paano kang nakakapagsalita uli?”

Natigilan si Roger.

At hindi makapaniwalang inilagay ang hintuturo sa loob ng bibig para mahawakan ang kanyang dila.

“N-naibalik mo ang dila kong pinutol ng kapatid mong demonya!”

“Oho, Itay. Dahil hindi ninyo nilabanan ang sinabi ko. Hindi man kayo nakapagsalita sa inyong puso ay naniwala kayo sa akin.”

“Isa kang sugo ng Diyos! Ikaw ang katapat ng iyong napakasamang kapatid. Mababago na ang sitwasyon ng ating lugar.”

“Iyan din naman po talaga ang misyon ko. Pero huwag kayong mag-alala, kapag nagsisi si Yawan at ang kanyang pangalawang anino sa mga kasamaan nila, patatawarin ko siya. Diyos ang magpaparusa sa kanila sa paraan na tama.”

“M-may hindi pa ako nasabi sa iyo, anak ko ...” Hindi na makatingin sa mga mata ni Nanette si Roger.

“Ano po ‘yon, aking ama?’

“Kahapon ay ... ikinasal na sina Yawan at Arturo. Mag-asawa na sila.”

Hindi nakapagsalita si Nanette, gumuhit sa mukha ang sobrang sakit ng kalooban dahil kahit naging banal siya, mahal na mahal pa rin niya si Arturo. -  ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with