Misteryosong Hayop-dagat Lumitaw a Mexico
Pinagkaguluhan at nag-trending sa netizens ang lumabas na larawan sa social media tungkol sa labi ng isang hindi malamang hayop-dagat na napadpad sa baybayin ng Texas matapos itong bayuin ng malakas na bagyo kamakailan.
Isang Pressti Desai ang nag-post ng larawan sa Twitter tungkol sa misteryosong hayop na may malalaki at matatalim na ngipin, walang mata at may mahabang buntot. Nagsasagawa umano ng pagsusuri si Desai, kasama ang iba pang conservationist sa naging pinsala ng bagyo sa beach ng Texas City, nang makita nila ang hindi malamang uri ng hayop
Ilan namang mga eksperto ang naghihinala na ang naturang hayop ay isang uri ng eel pero may ilan naman na nagsasabing ito ay bagong uri ng hayop-dagat.
Alin man sa mga ito ang totoo, isa lang ang sigurado – marami pang mga bagay-bagay ang hindi nadidiskubre sa ilalim ng dagat.
- Latest