Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Matapos ang 15-taon pagsasama

Dear Vanezza,

Ako po si Beth 45 years old isang nurse sa U.S. Fifteen years na kaming nagsasama ng asawa ko. Siya ang naiiwan sa bahay para mag-alaga ng mga anak namin. Pero last week lang ay nakikipaghiwalay ang mister ko sa akin dahil mayroon na siyang ibang babae. Pilit kong sinasalba ang marriage namin pero talagang ayaw na niya sa akin. Plano niyang magtrabaho next month para makaipon at maka-rent siya ng matitirhan. Lahat ng anak ko ay close sa kanya dahil siya ang naiiwan sa bahay. After six month ay magpa-file na siya ng annulment dito sa U.S. Wala siyang sinabi kung bakit ayaw na niya sa akin, maliban sa may iba na siyang mahal. Ano ang gagawin ko?

Dear Beth,

Malakas ang right ng mga kababaihan sa U.S. kaya puwede kang magtanong sa isang lawyer para ma­bigyan ka ng tamang advice. Itanong mo rin sa kanya kung puwede pang isalba ang marriage n’yo. Mukhang desidido na siyang makipaghiwalay, kailangan mong magpakatatag para sa inyong mga anak. Kung kailangan dumaan ka sa counseling kasama ang iyong asawa ay gawin mo ito. Higit sa lahat ay manalangin ka na maiaayos pa ang inyong pagsasamang mag-asawa.

Sumasaiyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: