Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Positive Behavior ng Bata

Madaling makita ang mali ng bata o estudyante kapag may nagawa itong mali, lalo na kung lagi itong napapa-trouble. Paano kung nakitaan na may nagawa itong tama? Papansinin ba ang nagawang mabuti ng bata?

Tandaan, laging positive-negative-positive ang approach dapat sa bata. Hindi lahat ng staff at magulang ay pinatutupad ang good behavior na inaasahan sa estudyante at anak. Talagang magkakaproblema. Kapag nasasali sa gulo ang bata, mas magandang mahuli rin ang pagiging mabuti nito na positibong reinforcement kung gustong ituwid ang ugali nito.

Sa ganitong paraan, mas gustong magpakita ng positive na behavior ang bata. Tulad ng pagbibigay ng malinaw na rules at pagpapatupad ng guidelines; ang pagtuturo ng good behavior at pagpuna sa magandang nagawa ng anak ay nagbibigay ng positibong pakiramdam sa bata. Dahil alam ng bata na may reward din ang pagpapakita nila ng positive na behavior sa bahay o school man.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: