Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Door to Hell

Ang Darvaza Crater ay nakilala sa tawag na “Door to Hell” o lagusan patungong impyerno dahil ang butas nito na may lapad na 225 feet at 99 feet na lalim ay walang tigil na umaapoy sa loob ng apat na dekada (40 taon).

Matatagpuan ang Darvaza Crater sa Turkmenistan na isang bansa na matatagpuan sa Central Asia. Ang mga katabing-bansa nito ay ang Afghanistan sa timog-silangan, Iran sa timog at timog-kanluran, Uzbekistan sa silangan at hilagang-silangan, Kazakhstan sa hilaga at hilagang-kanluran.

Ang Darvaza Crater ay tumutukoy sa massive natural gas field. Ang mga lokal ng lugar ang nagbigay ng pangalan nito na Door to Hell dahil sa nakakatakot at mala-impyerno raw na hitsura nito.

Hindi pa malinaw kung bakit nagaganap ang nasabing pheno­menon pero may mga nag-speculate na sinilaban ng Soviet scientists ito, at inakalang mawawala rin ang apoy ng mabilis, ayon sa National Geographic. ­

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: