Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Di Mabitawan ang Bf Kahit Nakabuntis na ng Iba

Dear Vanezza,

Mayroon akong boyfriend, pero malayo kami sa isa’t isa. Masaya kami sa sitwasyon hanggang sa naging busy siya sa trabaho.  Nawala ang communication namin ng isang buwan hanggang isang araw, nagbalik siya. Bigla niyang sinabi na may bago siyang gf.  Natukso raw siya sa mga panahong hinahanap niya ako. Ako raw ang mahal niya, pero di niya kayang bitawan ang babae dahil buntis ito. Hindi ko siya mabitawan dahil hindi niya raw kaya, pero nahihirapan ako sa sitwasyon. Laging patago ang pag-uusap namin dahil nakabantay ang babae. Hindi rin siya makapagdesisyon, naguguluhan siya, pati ako. Ano ba ang dapat kong gawin? - Donna

Dear Donna,

Mabuting kalimutan mo na ang lalaking yan. Ginagawa lang niyang rason na hindi niya mahiwalayan ang babae sa buhay niya. Kagustuhan din niya anumang nangyari sa kanila. Kapag tunay ang pag-ibig, nasa ibang lugar man ang isa ay handang ipaglaban ang true love niya. Ang tunay na pag-ibig ay tapat, kayang magtiis, at hindi nagtataksil. Masakit man, maghanap ka na lang ng ibang mamahalin ka ng tapat. May anak na sila at tiyak na hindi siya bibitawan ng babae. Kalimutan mo na ang tulad niya.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: