Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Rapunzel ng China

Grabe na ‘to!

Isang 44 taong gulang na babae sa China ang ina­lok na bilhin ang kanyang buhok sa halagang $3,500 o P177,957.50. Ito ay dahil umabot na ito sa 6ft 7in.

Ayon kay Cen Yung­yuan na may taas lamang na 5ft, labing-isang taon na siyang hindi naggugupit ng buhok at inalagaan ito para humaba. Tunay ngang siya ang tinaguriang Rapunzel ng Asya. Hindi siya makakalakad nang maayos kapag hindi ito tinali dahil nga sasayad na sa lupa at magmi­mistula itong train ng traje de boda. Ingat na ingat si Cen sa paghuhugas ng kanyang mahabang buhok at sinisigurong malinis ito bago punasan at suklayin ng kung ilang beses para mapanatili ang ganda at lambot nito.

Sa sobrang pagkaa­laga niya sa buhok at pagpa­pahalaga rito, ang bawat nalalagas ay kanya pang pinupulot at itinatago. Hanggang ngayon ay marami pa ring nag-aalok na bilhin ang buhok ni Cen ng Guigang sa Guangxi Province ngunit hindi raw niya ipagpapalit ­sa­ pera ang kanyang kayamanang buhok.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: