Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kaligtasan ng mga Bata

Kapag may rules at guidelines ay nababawasan ang bullying sa school, komunidad, at barangay.

Ang mga rules ay nakatutulong na ma-manage ang classroom na mag-behave ang mga estudyante at bata sa maayos sa lugar na kanilang ginagalawan.

Kailangan lang na ang mga rules at consequen­ces na ibinibigay ay  malinaw na maiintindihan ng bata lalo na kung may paglabag sa mga patakaran.

Dapat alam ng mga estudyante kung ano ang mangyayari kapag ginawa ang isang bad  behavior o nakisali sa gulo na may katapat na kaparusahan.

Ang mga rules ay may kaakibat na respeto, responsibilidad, at maging kaligtasan ng mga bata. Sa lahat ng mga rules ay hindi dapat mawawala ang mga mahalagang guidelines na nabanggit sa pakikitungo sa ibang kapwa  sa bawat sitwasyon sa araw-araw na buhay ng mga bata at anak sa loob ng eskwelahan at loob ng tahanan. Tandaan, ang rules ay para manatiling safe at may kalayaan ang mga students; at maging ang mga staff ay malayo sa kapahamakan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: