Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

GF Ayaw Panagutan ng Bf

Dear Vanezza,

Ako po si Jessa, 20 years old. Buntis po ako, pero ayaw akong panagutan ng nobyo ko na classmate ko rin. Hindi na po siya pumapasok sa school. Ang problema ay hindi ko masabi sa nanay ko na nasa Dubai ang kalagayan ko. Hindi ko po kilala ang tatay ko mula pagkabata ko. Tita ko lang po ang kasama ko sa bahay namin. Paano ko ba sisimulan ang buhay ko uli? - Jessa

Dear Jessa,

Kung hindi mo kayang makausap ng deretso ang nanay mo, hayaan ang tita mo ang magsabi nito sa kanya. Para masuportahan ka ni nanay sa iyong kalagayan. Upang mapag-usapan kung paano ang mangyayari sa iyong problema. Magpakatatag ka para sa magiging anak mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: