Punka-punkara
Ito ay salita mula sa Australian aborigines na ang ibig sabihin ay panghuhula sa pamamagitan ng “physical disturbances” sa parte ng kanyang katawan kagaya halimbawa ng biglaang pagkati ng lips, kamay, talampakan o biglang may narinig kang huni sa iyong tenga. At ang taong may kinalaman sa mga nararamdaman mo ay kadalasang kapamilya. Narito ang iba’t ibang klase ng Punka-punkara:
1--Niirnakatira—Humuni ang iyong tenga. Iniisip ka ng iyong kuya.
2--Takalarrara—Parang may nag-cracked sound sa loob ng iyong ilong. May darating na bisita o isang biglaang event.
3--Mirna Punka-Punkara—Tumitibok ang iyong upper arm. Iniisip ka ng iyong ama o ina.
4--Kurtaku Punka-Punkara, Kamurulu Kulira—Nadadama mo ang tibok ng iyong puso. Iniisip ka ng iyong tiyo na kapatid ng nanay mo.
5--Katjalu—Nadadama ang tibok ng puso pero this time, pinsang lalaki sa mother’s side ang nag-iisip sa iyo.
6--Parnta, Tjunta, Punka-Punkara, Kurrilu Kulira—Tumitibok ang ari o singit. Asawa ang nag-iisp sa iyo.
7--Murnngu Punka-Punkara, Tjutulu, Kurtalu Kulira—Tumitibok ang lower leg (parteng tumitigas kapag pinupulikat), kuya o ate mo ang nag-iisip sa iyo.
- Latest