^

Para Malibang

German Lumalangoy sa 2 Kilometro Papasok sa Trabaho

Pang-masa

Grabe na ‘to!

Isang German ang nagta-travel sa work mula sa bahay sa pamamagitan ng pagsu-swimming sa ilog para makaiwas sa matinding trapik.

Isa nga si Benjamin David sa maraming commuter sa Germany ang naghanap ng alternatibong paraan para makarating sa opisina nang hindi naaabala ng matinding trapik. Araw-araw ay lumalangoy siya ng 2 kilometro sa Isar River papunta sa Kulturstrand na siyang lugar ng kanyang trabaho. Ang ilog ay dumadaan kasi sakto sa kanyang apartment sa Baldeplatz hanggang sa Kulturstrsand.

Para hindi mabasa ang kanyang mga gamit sa opisina at damit pamalit ay mayroon siyang special bag. Hindi lang ito water proof dahil nagsisilbi rin itong pampalutang o puwedeng salbabida dahil may hangin ito kapag isinira. Malaking tulong ito kapag napapagod na ang kanyang mga braso sa paglangoy.

Isa lang si Benjamin sa mga nakaisip ng ibang paraan para makaiwas sa trapik at mas mapadali ang pagpasok sa trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with