^

Para Malibang

Saan ba Nagmula ang Fake Eyelashes?

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Noong 1800, guma­gamit ang mga kababaihan ng cocaine para pamanhidin ang kanilang takipmata para tahiin ang totoong buhok sa kanilang balat.

Taong 1910s naman habang nagtatrabaho ang film director na si D.W. Griffith nang mapansin niyang may kulang sa aktres na si Seena Owen. Inutusan ng director ang mga wigmaker na magdikit ng pekeng pilik-mata sa aktres gamit ang spirit gum. Dahil dito, namaga ang mata ni Seena.

Nagsimula ang Vogue magazine na maglabas ng mga litrato ng babaeng naka-fake lashes noong 1920s at 1930s na hindi naman nagustuhan ng mga kalalakihan dahil nakakatakot daw ito.

Taong 1940s at 1950s nang mauso ang mga fake eyelashes na gawa sa plastic at may iba’t ibang style depende sa gusto ng magsusuot. Ilan sa mga sikat na celebrities na palaging nagsusuot nito ay sina Marilyn Monroe at Rita Hayworth.

Pagkatapos ng 1960s, nauso naman ang mga pilik-mata na sobrang kapal at 20 million na fake eyelashes ang nabebenta bawat taon. Dito sumikat si Twiggy dahil sa sobrang kapal ng kanyang pilik-mata. 1970s at 1980s nang muntik nang mawala ang uso pero muli itong bumalik at ginagamit ng mga model at arista sa kasalukuyang panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with