^

Para Malibang

Pangalawang Anino (183)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HIRAP na hirap ang loob ni Arturo sa pagtanggap sa mangyayari sa pag-ibig nila ni Nanette.

“Hindi naman siguro kailangang mangyari ito, Nanette. Mahal na mahal kita. At alam ko rin kung gaano mo ako kamahal.” Hindi mapigil ni Arturo ang maluha kahit tunay siyang lalaki.

Emotional siya nga­yon dahil namatay ang ama at inilibing nila itong halos hindi na makilala ang sunog na bangkay.

“Kailangan nating isakripisyo, Arturo. Hindi ko malalabanan ng patas si Yawan kapag hindi ako naging banal na tulad ni Inang Maria.” Wala ring tigil ang pagpatak ng mga luha ni Nanette.

“Ano pa ang mga pagsubok ng pagiging banal? Ang pag-akyat doon sa bundok na Puti na alam nating dahil sa sobrang tarik ay halos walang ma­ngahas. May mga sumubok at nabalitaan nating hindi na nakauwi.”

“Aware naman ako doon, Arturo. Isa nga ‘yan sa mga misteryo ng bundok ng kabanalan. Walang namatay sa mga pumunta doon pero wala ring nakauwi.”

“Paano kung hindi ka na rin makauwi, Nanette? Nawala na nga si Itay, pati ba naman ikaw?”

 “Kailangang magtiwala tayo. Ang bundok na Puti ay sagrado. Naroroon ang kapangyarihan ng Diyos. At alam ng Diyos kung bakit ako aakyat doon, ano mang pagsubok kailangan maniniwala akong makakaya ko. At makakabalik ako para matupad ang misyon ko.”

 “Nanette ...”

“Mahal na mahal kita, Arturo. Kaya hindi ko makakayang kayo ng pamilya ko ay masasaktan ni Yawan at wala akong kayang gawin.”

Napakahigpit na yakap ang iniwan ni Nanette kay Arturo.  Gustong maalala ni Arturo ang yakap na ‘yon habang-buhay  dahil baka hindi na mauulit.

TOTOO ang sinabi ni Inang Maria, walang kasinghirap ang umakyat sa bundok na Puti.

Nasa paanan pa lang ng bundok, nagkasugat-sugat na si Nanette. Matutulis ang mga batong kinakapitan niya para makahakbang paangat.

At napakaraming mga ibon na nabubulabog, nagliliparan, ikinagulat ni Nanette, muntik-muntikan siyang makabitiw sa mga bato.

Napakadulas din ng kanyang mga tinatapakan.

Nag-alas tres ng hapon. Ang mga orasan sa ibaba ng bundok ay tumuro sa mga numerong tres at dose. Oras ng pagkamatay ng anak ng Diyos na si Hesus.

Naramdaman ni Nanette na may humahatak sa kanyang mga binti, napasigaw siya.  ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with