^

Para Malibang

Saang Lugar mo Gustong Magretiro?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Siyempre dito sa bansa natin. Hindi ko naman sinasabing sobrang makabayan ako. Pero narito kasi ang mga kapatid ko at ibang kamag-anak. Marami rin akong kaibigan dito at mas masaya kung kasama mo sila hanggang pagtanda. Iba pa rin ang kasama ang pamilya lalo na sa panahon ng problema. – Alvin, Bulacan

• Kahit saang bansa gusto ko ‘wag lang dito sa Pilipinas! Nakakatakot na rito sa bansa natin. Napakataas ng crime rate. Tapos ang daming mga inosente ang nasasaktan at kinukunan ng karapatang mabuhay. Hindi na talaga safe sa Pilipinas. Isa pa, napakahirap ng buhay dito. Hindi na nakakatuwa ang mga nangyayari sa paligid. – Elmo, Ilocos Sur

• Wala pa sa isip ko ngayon ang bansang pagreretiruhan. Masyado pang malayo ‘yun. At saka gusto kong bigyan ng chance ang mangyayari sa Pilipinas kung gaganda pa ba ang kalidad ng pamumuhay dito o hindi na. Bansa natin ito at dapat dito tayo kung tutuusin. Pero kung hindi na nga naman maganda ang nangyayari mas mainam ngang sa ibang bansa na lang magretiro. – Rico, Cebu

• Gusto ko dito sa Pilipinas dahil hindi ko naman naisip na mapalayo sa mga pamilya. Isa pa, sa bansang dayuhan hindi mahirap ang mag-adopt lalo na kung matanda ka na. Hindi natin alam ang kultura nila. Hangga’t maaari talaga ay gustong magretiro sa Pilipinas. Kaya pa naman ang mamuhay dito sa probinsya dahil sa Maynila ay magulo na. – Peter, Bohol

• Sa Canada ko gusto kasi balita ko libre lahat doon pagtanda. O kaya sa Amerika, kaso mahirap naman maging citizen doon. Basta kahit ano sa dalawa gugustuhin kong magretiro dahil maganda ang benefits ng matatanda roon. Sana lang hindi ako dalhin sa home for the aged ng mga anak ko sakaling doon kami manirahan. – Ogie, Camarines Sur

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with