^

Para Malibang

Pangalawang Anino (180)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

ANO mang habol ang ginawa ni Arturo sa ama nakarating na ito sa apoy bago pa siya makalapit.

Nakakakilabot ang sigaw ni Arturo. “Itaaaay!”

Ganoon din katinding kilabot ang maririnig mula sa matanda na nakapasok na sa lumalagablab na apoy.

Hindi na gumagana nang matino ang isip.

Susunod dapat si Arturo sa loob ng sunog pero naabutan siya ng mga pulis at pinigil.

“Arturo! Huwag na! Hindi mo na siya maili­ligtas dahil nandodoon na siya sa loob!”

“ Sir ... ang sarili ninyo ... iyon na lang ang dapat ninyong iligtas.”

“Itayyyyy!”

Nakalapit na si Nanette kay Arturo. “Arturo, ipagdasal na lang natin siya.

NAGPASYA na rin ang hepe.

Sinenyasan ang mga tauhang pulis. “Fire!”

Hindi nagdalawang-isip ang mga pulis, pinaulanan ng bala si Yawan.

Kahit napakasama ng kanyang kapatid, hindi pa rin maalis ni Nanette sa sarili ang magmalasakit. “Yawan! Huwag pooo!”

Si Arturo naman ang pumigil kay Nanette. “Ha­yaan mo siya. Wala siyang kasingsama, Nanette. Mas makabubuti sa atin kapag patay na ang half-sister mo.”

Walang nagawa si Nanette, lumung-lumo.

Ayaw na lang tumingin ni Nanette sa pamamaril ng mga pulis kay Yawan.

Ipinagdasal na lang niya.

“Diyos ko po. Sana po sa kabila ng lahat, maaawa pa rin kayo sa kapatid ko sa ama. Matagpuan pa rin sana Ninyo sa inyong puso ang pagpapatawad sa kanya.”

NANG sindak na sumigaw ang mga pulis.

“Hindi siya tinatablan ng mga bala! Hindi rin siya takot sa mga dasal ninyo! Certified demonya nga ang babaing ‘yan!”

“Sir, ano na lang ang gagawin natin?”

“Susugpuin natin siya kahit pa ano ang mangyari sa atin!”

Ni hindi iniinda ni Yawan ang apoy, ang init. Naka­ngisi ito, humahalakhak.

“Sige, okay lang matakot kayo sa akin! At ikaw, Arturo ... okay lang kung hindi ka na maa-attract sa akin ! Wala akong pakialam ! Ang importante, lahat na masarap at kuwartang tumataginting ay sa kamay ko ang bagsak!”  Itutuloy

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with