^

Para Malibang

Solusyon sa Maingay na Pinto

KUMPUNERONG KUYA - RCL - Pang-masa

Nakakahiya nga naman kung kada may papasok at lalabas ng bahay o kwarto ay “nagsasalita” ang pintuan. Nag-iingay ang bisagra (hinges) ng pintuan kapag nagsimula na itong mag-oxidize. Ang dapat lamang gawin dito ay lagyan ng pampadulas.

Una, takpan ang sahig sa paligid ng pintuan na aayusin. Maglagay ng tela para hindi matuluan ang sahig. Lagyan ng oil ang bisagra at patuluin hanggang mabasa ito. Pagkatapos lagyan ay buksan at isara ang pinto para masigurong pumaloob sa bisagra ang oil. Subukan uli itong buksan at isara matapos ang ilang minuto. Kung may tumutunog pa rin ay lagyan pa ng oil at ulitin ang proseso.

Kung hindi na kayanin ng oiling, subukang linisin ang pins ng bisagra. Pagkatanggal ng pins ay punasan ito ng steel wool at linisin ang pinholes gamit ang maliit na brush.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with