^

Para Malibang

Babaeng Depressed Pinaganda ng Hair Stylist

KUKAY KIT - DC - Pang-masa

Maraming tao ang ginugupo ng depresyon. Kung minsan hindi mo mahahalata na ang isang tao ay may depresyon. Minsan naman ay madali silang matukoy kung pagbabasehan ang kanilang panlabas na hitsura. Ang iba sa kanila ay ayaw mag-ayos, maligo, magsipilyo, o ayaw magsuklay tulad na lamang ng 16 na taong gulang na babaeng nagpunta sa salon.

Buhul-buhol ang buhok ng babae na gusto nang ipakalbo ang sarili. Pero hindi pumayag ang hair stylist na si Kayley na nagtatrabaho sa Capri Waterloo Salon sa Amerika.

Ayon kay Kayley, alam niyang lalo lang ikalulungkot ng teenager kung siya ay kakalbuhin. Dahil diyan, hindi tinantanan ni Kayley ang buhok nito kahit pa umabot ng dalawang araw at 13 na oras ang kanyang trabaho para maibalik sa dati ang buhok ng teenager. Binahagi rin ni Kayley ang before and after transformation ng buhok ng kliyente na umaani ng maraming likes at share sa social media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with