^

Para Malibang

Pangalawang Anino (177)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAPABUNTONG-HININGA si  Arturo, kita ang lungkot at ligalig sa mukha. “Humihingi na naman ng pera si Yawan, kapag daw hindi kami nagbigay ay susunugin na naman niya ang pa­ngalawang ikatlong bahagi ng aming palayan.”

“Ano? Hindi pa sapat ‘yung binigay ninyo na isang daang libong piso? Pagkatapos niyang sunugin ang unang ikatlong bahagi ng inyong palayan?”

“Palagay ko, bukod sa nangunguwarta sila, naghihiganti rin siya sa akin dahil tinalikuran ko siya, Nanette.”

“Talagang wala silang kasingsama. Arturo, ipahuli kaya natin sa mga pulis. Dahil hindi lang naman ito gawa ng demonyo, gawa rin ng isang tao. Na puwedeng parusahan ng batas.”

“Naisip ko nga rin ‘yan, e. Kahit pa duda ako kung matatakot sa mga pulis si Yawan.”

“Huwag nating problemahin ‘yon. Ang importante, bilang taong nagkasala, hahabulin siya ng mga pulis.”

“Sige, gagawin ko ‘yan. Paano nga pala kayo kung maisipan din ni Yawan na sunugin itong bahay ninyo? O kaya, kayo mismo ang sasaktan niya gamit ang apoy mula sa kanyang mga mata?”

Napabuntong-hininga si Nanette. “Natatakot din naman kami, Arturo. Takot na takot. Pero hindi kami magpapatalo sa takot.”

“Hindi ko mapapatawad si Yawan kapag sinaktan ka niya, Nanette. Mahal na mahal kita.”

Parang kinurot ang puso ni Nanette.

Walang kaalam-alam si Arturo na ang kanyang nobya ay nasa pagitan ng dalawang pagpipilian.

Kaligtasan ng lahat o pagtalikod sa isang tunay na pag-ibig.

“Sasama na nga lang pala ako sa iyo, Arturo. Sa pagpunta sa pulisya.”

“Salamat, Nanette. O, tayo na.”

KASAMA na naman ni Yawan si Yawanaya habang tinatakot ang ama ni Arturo.

“Isang daang libong piso uli o magiging abo ang bahaging ‘yan ng palayan mo!”

“Wala na kaming mapagkunan ni Arturo, Yawan! Utang na loob, huwag mong ipaka­in lang sa apoy ang mga palay. Maraming makikinabang sa palay ko, maraming magugutom kung kulang ang aanihing palay sa ating lugar.”

“Wala akong pakialam, tanda! Kung ako lang sana ang pinili ni Arturo kaysa doon sa half-sister kong walang kuwenta de sana hindi ko kayo ginigipit!”

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with