Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pantanggal ng Water Stain sa Kisame

Hindi maiiwasan ang water stain sa mga kisame lalo na ngayong tag-ulan. At hindi rin naman kasi madaling malaman kung may leak ang inyong bubungan.

Kung magkakaroon ng ganitong problema, ‘wag mag-alala maaaring gumamit ng homemade stain remover. Ang kakailanganin lang dito ay tubig, bleach, at spray bottle. Maghalo lang ng 10% bleach at 90% water para sa solution. Ilagay ito sa spray bottle at alugin para mahalo.

Bago mag-spray lagyan ng plastic ang mga dingding na katabi ng kisameng iispreyan maging ang sahig para maproteksyunan ang mga ito. Magsuot din ng goggles para proteksyon sa mata.

I-spray lang ang solution at maghintay ng isa o dalawang araw. Magugulat na lang kayo na mawawala ang mantsa sa kisame.

Pareho itong tumatalab sa mga flat at may texture na kisame.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: