Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Paano ba Maging Sexually Healthy? (12)

Natalakay na natin ang pagkakaroon ng healthy diet, pag-e-exercise ng regular at pag-iwas sa paninigarilyo, alcohol at drugs, ang pagma-manage ng stress at pagke-kegel exercise.

Narito ang iba pang tips ng http://www.healthcentral.com  para sa maximum sexual health.

Regular check-up

Ma­rami sa atin ang takot sa doctor lalo na ang mga lalaki. Kapag nagkakasakit at ‘di na matiis, saka lang pupunta sa doctor. Ang iba takot malaman na mayroon silang sakit at ang iba ay hindi kaya ng bulsa, ang iba, tamad lang talaga. Pero mas maganda ang prevention. Ugaliing magpa-check-up at least isang beses isang taon. 

Positive attitude – Sikaping laging maging positibo sa lahat ng bagay. Maging happy sa buhay. Marami nang ginawang pag-aaral kung saan ang mga taong may positibong pana­naw sa buhay ay walang problema sa sex life. Kaya be happy para everybody happy.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: