Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Karma na ang Maniningil kay Mister

Dear Vanezza,

Nakausap ko ang classmate ko at nagkuwento raw ang dating mister ko sa kanya. Binaligtad ng asawa ko ang sitwasyon, na ako pa raw ang nag­loko sa aming mag-asawa kaya kami naghiwalay. Paano ko ba lilinisin ang pangalan ko? Samantalang kami ang pinagpalit niya sa ibang babae. – Shine

Dear Shine,

Hindi mo kailangang ipaliwanag sa ibang tao kung anong nangyari sa iyong mag-asawa. Kundi lalabas din ang totoo kahit ano pa ang sabihin ng mister mo. Dahil ikaw mismo sa sarili mo, alam mo kung ano ang totoo. Huwag mag-alala dahil nandiyan lang ang karma na siyang sisingil sa kanya.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: