Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Lumabas sa Lungga

Madalas nakakalimutan ang sarili nating panga­ngailangan. Sa kabisihan ay nakakalimutan na i-improve ang sarili. Huwag kalimutan ang nakagawian na matuto sa iyong financial learning.

Magkaroon ng oras na umupo isa isang linggo at rebyuhin ang finances. Para makita kung paano babalansihin ang checkbook na puwedeng mag-download ng app para mas mabilis gawin.

Maaaring umatend ng libreng seminar patungkol sa pera, pagnenegosyo, at savings. Magbasa ng mga article na ang subject ay paano maging wise sa iyong money decision. Para mapalawak ang sariling kaalaman pagdating sa budgeting na makatutulong sa paghawak ng pera ng indibidwal o pamilya. Lumabas sa iyong lungga at i-educate ang sarili. Maraming makikitang activities sa iyong community at makipag-meeting sa ibang tao sa inyong barangay na baka may makitang investment opportunity na puwedeng simulan ng pagkakakitaan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: