Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (171)

WALANG bumugang apoy sa mga mata ni Yawan.

“Ano’ng nangyayari? Bakit hindi ko mabugahan ng apoy ang una kong anino? Tumamlay na naman ba ang kapangyarihan ko?”

“Subukan mo uli, Yawan. Ayan, nakalayo na tuloy si Angela!” Frustrated din ang pangalawang anino dahil matatakasan sila ni Angela.

At hindi na umuubra ang kapangyarihan ni Yawan.

Sinubukan ni Yawan, bumuwelo pa. Pumikit, dumilat. Pumikit, dumilat. Pinipilit magbuga ng apoy ang mga mata.

“Putsang ... ayaw talaga, Yawanaya! Parang ayaw gumana dito ang kapangyarihan ko!”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Ano? Akala ko ba, level-up ka na?”

“Akala ko nga rin!”

“Parang wala rin naman palang kuwenta ...”

Sapak ang inabot ng pangalawang anino mula kay Yawan. “Tarantada ka! Nabubuwisit na nga ako, minamaliit mo pa!”

“Eh, totoo naman!  Nagkasungay ka na nga, ‘di ba? Ibig sabihin mas masama ka na. Ibig din sabihin, mas makapangyarihan ka na!”

“Alamin natin kung bakit nagkakaganito. Sa halip na ibagsak mo ako.”

“Paano? Baka mamaya wiwisikan lang tayo ng benditadong tubig tunaw na tayo. Hindi tayo puwedeng magtagal dito Yawan kung ganyang supot ang powers mo.”

“Hindi pa tayo aalis, Yawanaya. Hindi tayo puwedeng sumuko. Susubukan ko pang masunog ang kahit bahagi man lang ng kumbento. At saka simbahan. Dahil ayokong pagtawanan tayo.”

“Wala naman sigurong magtatawa. Wala namang nakakita na nabigo ka. Saka tumakbo naman si Angela nang walang lingon-lingon. Kaya hindi niya nakita na gusto mo sana siyang sunugin pero walang nangyari!”

Inis na ibinaling ni Yawan ang mga mata sa tanawin sa labas ng kumbento at simbahan.

Mga punong-kahoy sa labas ang kanyang natitigan.

At bumuwelo para lumabas ang mga apoy sa mga mata.

Sumirit ang mga apoy sa dalawang mata ni Yawan. Tumama sa korona ng isang malaking punong-kahoy.

Agad itong nagliyab at lumaki kaagad ang apoy.

Tuwang-tuwang nagtawanan si Yawan at pangalawang anino.

Pero nawala agad ang saya nila. “Yawanaya, ibig sabihin hindi ko pa rin magalaw ang mga kaaway ko habang protektado sila ng simbahan at kumbento.

Itutuloy

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: