Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

20 Pamahiin Tungkol sa Pera

1. Paniwala ng South Africans ay pampasu­werte sa sugal ang ulo ng buwitre.

2. Sa Argentina, pangi­tain na may darating na pera sa iyo kung makakapulot ka ng pera sa kalsada. Pero huwag itong gagastusin. Mawawala ang suwerte.

3. Naniniwala ang mga Turkish na kapag nanaginip na may hawak na ginto, ito ay nagpapahayag na may  darating na pera.

4. Ang mga sinaunang Japanese ay naniniwalang masuwerteng gumamit ng wallet na gawa sa balat ng ahas.

5. Sa England, masuwerte kung ang bagong damit na isusuot ay maraming pera sa bulsa.

6. Sa Trinidad and Tobago, pangitain ng pagda­ting ng pera ang pagpasok ng brown spider at brown grasshopper sa loob ng bahay. Sorry, ang green grasshopper sa kanila ay malas ang dala. Itutuloy

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: