Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pinagbawalan Makipag-text

Dear Vanezza,

Ako ay 16 years old at 4th year high school. Nagagalit ako sa nanay ko dahil tinanggalan niya ako ng cell phone nang mahuli niya akong may ka-text. Single mom si nanay, hindi sila kasal ng tatay ko, pero hindi niya alam na nababasa ko na may dalawa siyang ka-text. Bakit siya puwedeng makipag-text? Hindi naman nasisira ang pag-aaral ko. Tama po bang aminin ko na binabasa ko ang CP niya? Natatakot ko na magalit siya sa akin. –Grace.

Dear Grace,

Hindi tama na nagbabasa ng CP ng iba. Pero magsabi ka rin ng totoo sa nanay mo para magkaliwanagan kayo sa isa’t isa. Sabihin mo rin ang gusto mong mangyari. Pero higit sa lahat makinig ka sa payo ng magulang mo, para hindi ka magsisisi sa bandang huli at makatapos ng iyong pag-aaral.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: