Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagseselos ng Anak sa Kapatid

Ang mga toddlers ay mahilig paglaruan ang pagkain. Maaaring dahil busog na mula sa ilang subo. Kaya nila­laro na lang ang pagkain na madalas na natatapon. Ang payo ng expert sa halip na sigawan ang bata ay kunin ang bowl o pinggan. Kalmadong ipaliwanag kung bakit hindi dapat nilalaro ang pagkain. Maging ang pagtalon ng bata sa kama ay sawayin nang maayos na ang kama ay ginagamit sa pagtulog o pag-relax at hindi para talunan.

Pero kapag ang anak ay may ginawa nang maayos na inubos ang pag-inom ng gatas na walang angal, punahin ang kanyang mabuting ugali o behavior ng magandang compliment ng bata.

Hindi aware ang toddler na sa paggalaw nito ng gamit o laruan ng kanyang kuya na nagseselos ito sa talent ng kapatid. Paliwanag ng psychologist, ayaw ng anak na napapagsabihan, mas magandang tulungan ang anak na malaman ang kanyang skills o talent kung isasali ang bata kung paano laruin o buuin ang legos kasama ang kapatid o ibang bata.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: