Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Truck na Puno ng Patatas Hinarang ng Elepante

Isang lalaki na nagmamaneho ng delivery truck na punung-puno ng patatas sa Eastern India ang nagulantang sa biglaang paglabas ng wild elephant sa kalsada.

Mistulang hina­rangan pa ng elepante ang daan kaya ‘di siya agad nakaabante. Ayon sa mga nakakita, malamang ay naamoy ng elepante ang mga patatas.

Maya-maya pa ay kinain na ng ele­pante ang mga patatas at ang trunk nito ay nasa loob na ng truck.

Sinubukan ng mga nakakita na pigilan ang elepante sa pamamagitan ng pagsigaw dahil marami na ang naaantala.

Hindi naman pinayagan ng mga awtoridad na lapitan ang elepante dahil baka may masaktan. Sa huli ay hinayaan na lang nila itong mabusog.

Ang buong eksena ay nakunan ng camera, may ilan na natutuwa dahil cute raw ang elepante samantalang marami naman ang nalulungkot dahil ang paghahanap ng pagkain ng mga elepante sa mga tao ay senyales na nasisira na ang kanilang habitat kung saan sila nakakakuha ng mga pagkain.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: