^

Para Malibang

Solusyon sa Bakbak na Salamin

KUMPUNERONG KUYA - RCL - Pang-masa

Habang nagtatagal at lumuluma ang salamin (mirror) ay nagbabakbak ang likuran nito o ‘yung silver backing. Hindi lang pangit itong tingnan, nakikita rin ang likuran o dingding at nawawala ang silbi nito bilang salamin.

Madali lang itong solusyunan, maaaring gumamit ng aluminum foil o spray paint na mirror like ang effect.

Ipatong ang salamin sa isang pantay na surface patalikod at mag-tape ng maliliit na piraso ng aluminum para matakpan ang mga nabakbak na parte ng salamin. Siguruhin lang na pantay ang pagkakadikit at hindi gusot ang aluminum foil na ididikit.

Ang isa pang paraan ay spray paint na mirror ang effect. Nabibili ito sa mga hardware at DIY stores. Ispreyan lang ang mga parte ng bakbak para matakpan. Mas epektibo ito sa magkakalayong bakbak para sa mas mabilis na pag-restore ng salamin.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with