^

Para Malibang

Pangalawang Anino(155)

Gilda Olividado - Pang-masa

NATUTUWANG pinagmamasdan ni Mang Gabo ang kanyang malawak na palayan.

Malapit na ang harvest time. Malulusog ang kanilang aanihin. Sagana sa pataba at tama lang ang ulan.

Bukod sa perang kinikita, ikinasisiya rin ng ama ni Arturo ang isiping nakakatulong siya ng kahit maliit lang sa ekonomiya ng bansa.

Ang pag-aangkat ng palay ay isang kritikal na bagay sa ekonomiya. Tataas ang presyo ng bigas kapag hindi sapat ang inaani sa pangangailangan ng mga Pilipino.

“Ah, ngayon ay malabong aangkat ang Pilipinas ng bigas sa ibang bansa. Masagana ang aanihin. Magkakaroon ng sapat sa pangangailangan ng  bayan.

“Sino ang nagsabi niyan, Mang Gabo?”

Halos mapatalon si Mang Gabo dahil may biglaang nagsalita.

“Yawan?”

“Natatandaan n’yo pa pala ako.”

“Oo naman. Matagal na kayong magkaibigan ni Arturo. Ikaw ang lagi niyang ikinukuwento na binibigyan niya ng adult tutorial lessons. At napakagaling mo raw. Ang bilis mo raw matuto hanggang sa hindi ka na kailangang turuan. Dahil ang bilis daw ng isip mo, ang dami mo nang alam.”

Sarkastikong ngumiti si Yawan. “Humahanga nga siya sa akin pero hindi naman ako ang kanyang mahal. Iyung kapatid ko sa ama ang pinagbigyan niya ng kanyang puso.”

Nabigla si Mang Gabo sa tono ni Yawan. “Ahm, ineng ... pagdating kasi sa pag-ibig ay hindi ko naman pinapakialaman ang anak ko. Katuwiran ko kasi puso niya iyon, siya ang hari doon, siya lang ang may karapatang magdisisyon. Kaya pasensya na, ha ... huwag nating pag-usapan ‘yan. Pero salamat naman sa pagdalaw mo dito sa aming palayan.”

“Okay, palayan ninyo ang pag-usapan. Iyan naman talaga ang sadya ko kaya naparito ako.”

“Ganoon ba? O sige, kahit ano’ng gusto mong itanong, sasagutin ko, ineng ...”

“Unang tanong, bibigyan mo ba ako ng isang daang libong piso huwag ko lang sunugin ang ikatlong bahagi ng iyong palayan?”

“Ha?” Na-shock ang matanda.

“Kaya ko kasing sunugin kahit ano titigan ko lang, Mang Gabo.”

Nagalit ang matanda. “Ano’ng klaseng kalokohan ‘yan?” -   ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with