Emergency Fund
Ang pinakamagandang savings sa hindi inaasahang financial shock ay ihiwalay ang pera para sa emergency at rainy day fund.
Ang rainy day fund ay puwedeng hugutin para i-cover ang hindi inaasahang expenses tulad ng medical bills. Ang emergency fund ay malaki at mas mahabang term ng pag-iipon. Ang pera ay maaring ma-cover at least tatlo hanggang anim na buwan in case na hindi makapagtrabaho sa anumang kadahilanan.
Kung magsisimula sa scrath ay aakalaing imposible dahil mahirap sa umpisa, pero puwedeng gawin. Magandang simulan sa baby steps na unti-unti hanggang sa makarating sa finish line.
Tandaan, kapag sinabing emergency savings, ang pera ay dapat madaling makuha kung kailangan tulad ng savings account.
- Latest