^

Para Malibang

Baguio, Haunted City ng Bansa

MRYOSO - Mitchelle L. Palaubsanon - Pang-masa

Tinaguriang “The Haunted City in the Mist” ang Baguio dahil sa rami ng mga kakaibang nangyayari umano rito. Marami ang isolated incident pero may ilang lugar na hindi na mabilang ang nakaranas ng paranormal.

 Isa na rito ang Diplomat Hotel. Noong early 1900s ang nasabing gusali ay isang seminaryo kung saan may mga madre at pari. Noong World War II ay maraming pinugutan sa mga madre at pari. Kaya ito ang rason kung bakit nang napagdesisyunang gawin itong hotel ay may mga guest at nagtatrabaho sa hotel ang nakakakita ng mga espiritung naglalakad dala ang kanilang ulo sa plato. May iba naman na nakaririnig ng nakakatakot na tunog.

Sa Teacher’s Camp naman ay maraming kinakikitaang native warriors na nag-iikot sa mga tent kapag may mga seminar at meeting. Ang paniwala ng mga taga-roon, ang lugar ay minsan nang naging ancient battlefield at iniwan ang katawan ng mga namatay na sundalo roon.

Marami ring nakakakita ng white lady sa Philippine Military Academy at paring pugot ang ulo. May naririnig din ang mga nagpupunta rito na nagmamartsang platoon. At ang isa pang multo ay nakasuot naman ng parade uniform.

Totoo nga kayang maraming galang multo sa Baguio? Nakaranas na ba kayo ng pagpaparamdam o pagpapakita nila? Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi sila matahimik?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with