^

Para Malibang

Early Signs ng sakit na Alzheimer’s

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Ang kakulangan sa pagtulog ay isa sa maaaring early sign ng pagkakaroon ng Alzheimer’s ng tao kahit healthy pa ang mga senior citizens, ito ang bagong natuklasan ngayon sa pag-aaral na nailathala sa Journal Neurology.

Inili-link ng mga scientists sa pagitan ng biological markers ng Alzheimer’s at sleep disturbances. May ebidensiya na nagpapakita na ang pagtulog ay may impluwensiya sa pagdebelop o paglala ng Alzheimer’s disease sa iba’t ibang paraan ayon kay Dr. Barbara B. Bendlin na nanguna sa pag-aaral ng nasabing case.

 Kapag naistorbo o kulang sa pagtulog ito ay mauuwi sa amyloid plaque buildup na nagkakaroon ng bara sa utak dahil ang brain clearance system ay gumagana kapag natutulog. Sa pagsusuri hindi lang amyloid ang nakitaan ng markers, kundi maging ang spinal fluid ay naaapektuhan din kapag hindi sapat ang tulog sabi ni Dr. Bendlin. Ang spinal fluid ay clear at colorless liquid sa palibot ng utak na kailangan para mapanatiling may fluid ang brain.

Sa pag-aaral ng mahigit 101 na tao na may edad 63 years old ay nakitaan ng panganib na magkaroon ng Alzheirmer’s kahit wala silang sintomas ng naturang sakit.

Importanteng malaman ang risk factor para sa Alzheimer’s disease para mabawasan o ma-delay ng limang taon ang mga kaso sa susunod na 30 years na darating na henerasyon mula sa 5.7 million na tao at makaka-save ng $ 367 billion sa kalusugan ang gastos sa nasabing sakit.

Nilinaw din na hindi lahat ng may sleep problems ay mayroong biological markers. Bagama’t kailangan pa rin ng maraming research para patunayan ang link ng kakulangan sa pagtulog at sa mga biomarkers na nakita sa brain. Pero sinugurado ni Dr. Bendlin na ang sapat na pagpapahinga o pagtulog ay nakatutulong na maiwasan ang Alzheimer’s disease. Maraming epektibong paraan para magkaroon ng sapat na tulog. Dahil ang maagang  pagpapaalala at paghahanda ay makatutulong na maiwasan o ma-delay ang panganib ng Alzheimer’s disease.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with