^

Para Malibang

Pangalawang anino (151)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAAAWA na rin si Roger kay Alona na nakatanghod pa rin sa bintana. “Ano ba ang hinihintay mo diyan?”

“Hindi ano kundi sino, Roger.”

“Hinihintay mo bang makita sina Yawan at Yawanaya?”

“Natural. Dahil walang palatandaan na may nasunog sa kubong ‘yon . Di ba wala rin namang katawan si Tagapag-alaga doon? Ano sila, sabay talagang napulbos pati mga buto nila? Pati ngipin man lang sana, meron doon! Bungo! Pero wala, e!”

Napaisip na rin si Roger.

Hindi niya tuloy alam kung matutuwa o matatakot.

Kung nakaligtas nga sa sunog sina Yawan o kung hindi talaga nasunog kahit nasa gitna ng apoy ... anong klaseng kapangyarihan na meron ang kanyang anak?

“Hindi kaya dapat na rin tayong umalis sa Itom? Tutal kung buhay pa nga si Yawan, uuwi rin naman ‘yon sa bahay natin.”

“Bakit ba parang bigla kang natakot?”

“Kapag may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag, nakakatakot naman talaga, hindi ba?”

“Hindi ako natatakot dahil magkakampi kami ni Yawan, ikaw nga siguro ang dapat matakot!”

Aminado naman sa sarili si Roger na takot nga siya sa anak niyang alaga ng demonyo.

Nang biglang may tumawag sa kanila sa likuran. “Inay ...”

Paglingon nila parehong napasigaw. “AAAAHHHHH!”

Ang nakikita nila ay si Yawan na may mga sungay. At ang pangalawang anino na may mga sungay din.

Kulay pula rin ang balat ni Yawan at ang mga mata ay parang nag-aapoy na kulay orange.

“Yawan! Bakit ganyan ang itsura mo, anak?”

“Inay, dapat matuwa muna kayo na buhay ako. Kaysa magtanong ng tungkol sa itsura kong ito.”

“Tuwang-tuwa ako na buhay ka, anak! Alam ko naman na hindi ka mamamatay kung apoy lang, e! Makapangyarihan ka yata!”

Binalingan ni Yawan si Roger, tinuya. “O, hindi ka na nakakapagsalita diyan aking ama na walang kuwenta sa akin. Mukhang aatakehin ka na sa puso, a. Maganda ba ang mga sungay ko?”  ITUTULOY

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with