^

Para Malibang

Bata sa New Mexico, Nakadiskubre ng 1.2 Million-year-old na Fossil

HAYUP SA GALING - Chris Co - Pang-masa

Gumawa ng kasaysayan ang siyam na taong gulang na si Jude Sparks nang aksidente siyang nakadiskubre ng isang fossil na tinatayang isang milyon na ang tanda.

Nag-outing si Jude kasama ang kanyang pamilya sa Las Cruces, New Mexico. Tinataguan niya ang nakababatang kapatid nang aksidente siyang mahulog sa isang lugar na siyang kinaroroonan ng fossil.

Nagkaroon agad siya ng ideya na hindi pang­kara­niwan ang kanyang natagpuan. Ayon naman sa kanyang nakababatang kapatid, mukha  itong dambuhalang bungo ng isang baka. Ayon naman sa kanyang mga magulang, mukha itong bungo ng elepante kaya minabuti nila itong piktyuran para mag-imbestiga.

Nang ma-realize nila na malabong sa isang elepante ang bungo, ipinadala nila ito sa isang biology professor sa New Mexico, State University na si Peter Houde. Doon na napag-alaman na ang naturang bungo ay isang Stegomastodon.

Hindi  isang klase ng dinosaur ang Stegomas­todon at sa halip, malapit itong kamag-anak ng mga elepante na matagal nang nawala sa mundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with