^

Para Malibang

Pangalawang Anino (128)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAG-ISIP sandali si Angela bago sumagot kay Ariel. “Wala naman akong ibang mapupuntahan, e. Saka isa pa, hindi ko lubusang matatalikuran ang pamilyang nakasanayan ko.”

“Paano kung parurusahan ka ni Yawan. Hindi ba sabi mo, hinabol ka nila?”

“Oo. Pero masyado pang maaga para abandonahin ko na sila. Siguro bilang anino ni Yawan, susubukan ko muna siyang kumbinsihin na magpakabuti na. Pati ang pangalawang anino, dapat maniniwala muna ako na puwede pa siyang magpakabait.”

“Bakit di ka muna magtago sa kumbento? Makikibalita muna ako kung ano na ang takbo ng utak nina Yawan. Kung malupit pa rin ba o nagbabago na.”

“Paano ako magtatago doon?  Baka magagalit sa iyo ang mga pari.”

“De sa simbahan na lang. Napansin mo naman siguro na maraming bahagi doon na hindi abot ng ilaw, makakapagkubli ka. Huwag ka munang pabigla-biglang umuwi, Angela. Kung gusto mo, kakausapin ko muna ang half-sister mo, si Nanette. Baka kasi bibigyan ka nila ng pagkakataon. Kukupkupin ka nila. Tiyak na mas sasaya ka doon dahil kapareho mo sila, mga mabubu­ting nilalang.”

Nag-isip ang unang anino. “Parang maganda naman ‘yang payo. Siguro nga, doon muna ako magtatago sa simbahan.”

“Dadalaw-dalawin kita doon. Madalas. Bibigyan ng pagkain, tubig. Teka ... kumakain ka ba at umiinom?” Natigilan naman ang unang anino.

“Bakit, hindi mo pa alam?”

“Hindi pa, Ariel. Basta sa ngayon, hindi pa ako nagugutom at hindi pa nauuhaw. Pero aywan ko sa mga darating na araw. Masyadong mahiwaga ang lahat tungkol sa amin nina Yawan at panga­lawang anino, sorry wala pa akong masasabi sa iyo ...” “Hindi bale. Basta bumalik na tayo sa simbahan. Titingnan ko kung ano ang puwede kong magawa para maging komportable ka doon.” Hindi naman nakipagtalo ang unang anino. Sa bandang gitna ng simbahan kung saan wala pang mga ilaw, ipinuwesto ni Ariel si Angela.

“O, may upuan diyan, at hindi ka makikita kapag may dumadaan na tao dito. Huwag kang mainip, ha? Magdasal ka na lang para sa lahat nang tao para tumino na ang buhay nila.” Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with