^

Para Malibang

Paano Mag-isip ang Mahirap at Mayaman?

PRODUKTIBO - Pang-masa

Karamihan ang mga tao ay abalang-abala na pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Gusto nilang kalkalin kung anong mayroon sa kanilang kaopisina, kaibigan, kamag-anak, kapitbahay, politiko, kanilang boss, at lalo na ang mga artista.

Alam ng tao ang bawat detalye ng tsismis na feeling nila na mas kilala o close sa buhay ng mga celebrities, personalities, at mga official sa gobyerno.

Nakalulungkot na ga­nito raw mag-isip ang mahihirap na mas pinagbubuhusan ng oras ang makipaghuntahan na ang pulutan ay ang buhay ng may buhay.

Walang masama na pag-usapan ang ibang tao o mga nangyayari sa paligid o mundo na interesting naman talaga.

Pero kakaiba sa pag-iisip ng mga mayayaman. Ang taong nagiging mayaman ay mas gustong pag-usapan ang mga ideas, mag-develop, at mag-create. Kaya kapag pinagsama-sama ang mga mayayaman lahat sila ay pare-pareho ang iniisip, na mga business-oriented, na mas gustong pag-usapan ang ideas patungkol sa sit­wasyon ng kanilang negosyo.

Kaya dumikit sa mga tao na ang passion ay kung paanong kumita ng pera, maging productive, at mag-grow ang kanilang business. Dahil kung ano ang laman ng puso, yun din ang buka ng bibig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with