^

Para Malibang

Patatas Para sa Maitim na Kili-kili

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Ang pagkakaroon ng maitim na kili-kili ay resulta sa palaging pag-aahit, pagbubunot ng buhok, sobrang pagpapawis, at paggamit ng deodorant anti-perspirants at iba pa.

May kamahalan ang pagpapaputi ng kili-kili lalo na kung ikaw ay kukun­sulta sa mga sikat na espesiyalista. Mahal din ang kanilang mga produkto.

Pero alam n’yo bang ang simpleng patatas ay pwedeng makatulong sa maitim na kili-kili?

Nauna nang sumikat ang pagiging epektibo ng patatas sa dark circles/under eye circles pero ngayon, marami ang nagki-claim na pumuti rin ang kanilang underarm dahil dito.

May catecholase ang patatas, isang enzyme na unti-unting nakakapagpaputi ng kutis. Mayroon din itong mild bleaching properties kaya hindi pilit, kundi natural ang kalalabasan ng pagpapaputi.

Mayroon itong anti-oxidants na makatutulong para matanggal/mabawsan ang stretchmarks at wrinkles.

Nakakapagpakinis din ang starch na present sa potatoes. Sagana ito sa potassium, thiamine, riboflavin, phosphorous, iron, at zinc, na nagpapaganda sa ating skincells.

Ilagay lang ng direkta sa kili-kili ang hiniwang patatas, i-masahe ito sa loob ng 20 minuto, at saka banlawan. Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with