Kailan ang Iyong Positive at Negative Day?
Last Part
Ang prinsipyo ng POSITIVE DAY (PD) at NEGATIVE DAY (ND) ay nagmula sa Chinese Astrology.
SHEEP. Ang PD niya ay Lunes. Sa araw na ito simulan ang project, pumirma sa kontrata at isagawa ang space cleansing. Magbibigay sa kanila ng suwerte ang pagsusuot ng perlas.
Ang ND nila ay tuwing Huwebes. Iwasang makipagtalo at manakit ng hayop. Ipagpaliban din ang construction works lalo na ang pagpalit ng bubong. Huwag gumamit ng yellow sapphire.
MONKEY at ROOSTER. Ang PD nila ay Huwebes. Mainam na gawin ang mga sumusunod: religious and spiritual activities, making offerings at temples, getting married, starting a study program, planting plants, sowing seeds, preparing medicines and studying divination techniques. Magandang araw din para makipagkaibigan. Magbibigay ng magandang suwerte ang yellow stones kagaya ng citrine, yellow diamond at yellow sapphire.
Ang ND ng Monkey at Rooster ay Martes. Iwasang magpakasal sa araw na nabanggit, ipagpaliban ang pagkuha ng empleyado, pumirma sa kontrata at simulan ang paglalakbay. Iwasan ang pagsusuot ng red coral dahil hindi ito masuwerte sa iyo.
- Latest