^

Para Malibang

Pangalawang Anino (125)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang unang anino na siya ay lumuluha. Una niyang nakita ang mga luha ay nang umiyak ang kanilang amang si Roger. Dahil hindi na makayanan ang masamang trato ni Yawan.

Ang pagiging lapastangan na anak ni Yawan sa ama.

Ngayon lamang siya nakatikim ng luha. Kasing-itim din ng anino ang mga luha niya pero nadadama niya ang pagiging basa ng mga ito.

“Naaawa ako kay Ariel kaya napapaiyak ako. Ibig sabihin kahit anino ako may puso rin ako, may  damdamin. Salamat na lang at hindi ako katulad ng pangalawang anino ni Yawan na may damdamin nga pero kung hindi galit, kagustuhan namang masaktan o mapahamak ang mga tao.”

Tumayo ang unang anino at lumapit kay Ariel na patuloy pa ring nagpapakintab ng sahig sa may altar.

Napatigil naman ang unang anino nang makitang isa pang hakbang at nasa maliwanag na siya.

Kapag maliwanag, lutang na lutang ang kanyang imahe.

Napasalita siya sa sarili. “Puwede akong lumapit sa kanya para man lang makita ko siya sa malapitan. Pero dahil maliwanag ang kinatatayuan niya, lulutang na ako. Paano kung mapansin niya na may dalawang anino sa tabi niya, hindi kaya siya matatakot nang husto?”

“Lalo na kung makikita niya na ang pangalawa niyang anino ay anino ng babae? Ano ba naman ito? Masyado ko namang pinuproblema ang taong ito. May ... damdamin ba ako sa kanya? Anong klaseng damdamin? Natatakot ako. Napakaignorante ko pa.”

Natatakot na siyang lumapit pero habang nakikita niya na kahit napakasipag sa paglilinis si Ariel ay malungkot pa rin ito at may mga butil ng luha sa mga mata, lalo lamang parang pinipiga ang dibdib niya.

Gusto niya sanang magkakilala sila ni Ariel.

Magkakakuwentuhan.

Magsusumbungan ng mga nangyari sa kanilang buhay mula nang mapatira sila sa Itom.

Magiging magkakampi sila. Magtutulungan.

Sa mga ideyang nasa kanyang isipan, lumakas ang loob ng unang anino na lumapit sa binata.

Pero bago pa siya nakalapit ay napalingon naman sa kinaroroonan niya si Ariel at nakita na ang unang anino.

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with