^

Para Malibang

Suka Panlinis ng Baso

KUMPUNERONG KUYA - RCL - Pang-masa

Nangyari na ba sa inyo na maghugas ng mga baso pero hindi pa rin ito singlinis ng dati? Para bang may kung ano’ng malabo ang bumabalot dito at napaka-foggy nito? Puwes, makikita sa kusina ang solusyon diyan.

Ito marahil ay dahil sa hard-water minerals sa inyong tubig. Madali itong solusyonan sa pagbabad lang ng limang minuto sa whiter vinegar. Dahil acetic ang suka, tutunawin nito ang mga mineral na naipon sa baso kaya ito ay lumalabo. Kung ayaw pa rin matanggal nito ay marahang kuskusin ito gamit ang baking soda. Banlawan ang baso at patuyuin ng lint-free towel bago gamitin uli.

Kung gumagamit ng dishwasher, at hindi pa rin maalis ang foggy look ng mga baso, malamang ay nag-etch na ang glass nito. Kapag nagsimula nang mag-etch o bakbak ang film ng baso ay wala nang paraan kung hindi ang bumili ng bago.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with