^

Para Malibang

Hunyangong Na-Mummified

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Isang patay na chameleon/hunyango ang nakitang ‘naka-display’ ng isang babae at agad na pinost sa social media.

Pinagkaguluhan agad ito at nag-trending dahil sa kakaiba nitong pwesto.

Doon na napag-alamang namatay sa matinding init ng araw ang Indian chameleon habang umiinom sa tubo na nakasara.

Nasaksihan din ang naturang pangyayari ng writer at wildlife filmmaker na si Janaki Lenin sa India.

Sa social media post din ni Janaki, sinabi nitong tila namatay ang chameleon habang binubuksan ang tubo para makainom ngunit agad itong namatay dahil sa uhaw at mabilis na natuyo dahil sa matin­ding sikat ng araw.

Nakatulong din daw ang maraming langgam na nakapasok sa katawan ng chameleon kaya mabilis din itong na-mummified at na-preserve.

Kahit sanay sa mainit na panahon ang mga hayop gaya ng chameleon, nai-stress pa rin sila lalo na kung talagang matindi ang sikat ng araw na nararanasan sa buong mundo ngayon dahil sa pangkalahatang global warming.

 

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with