^

Para Malibang

Pangalawang Anino (122)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NATIGILAN si Ta­gapag-alaga. “W-wala nga ang iyong unang anino, ngayon ko lang napansin.”

“Tagapag-alaga, ang hirap niyang suhetuhin. Pero bakit kay Inang Maria, sumunod siya?”

Hindi kaagad nakasagot si Tagapag-alaga, makikita sa mukha nito ang pagtataka. At galit.

“Hindi ako makapaniwalang ganoon katindi ang kapangyarihan ng Mariang ‘yon.”

“Sabi niya, pagkakamali ko raw na siya ay pinatay. Mas lumalakas daw ang kapangyarihan ng isang ispiritu kapag siya ay banal.”

“Pero papanhik siya doon sa itaas! Gusto kong isipin na kapag nandodoon na siya, limitado na naman ang magagawa niyang tulong sa mga kalaban natin.”

“Ano nga ang gagawin natin ngayon sa aking unang anino? Panganib ba siya ngayong malayo siya sa amin?”

“Depende. H-hindi ko pa alam. Isang misteryo pa sa akin itong nangyayari sa iyong unang anino. Bakit siya ganoon? Bakit ayaw niya sa iyo?”

Napatiim-bagang si Yawan. Malaking problema pala talaga ang kanyang unang anino. GUMAWA at nagbendisyon uli ng banal na tubig si Inang Maria. At ipinamigay sa mga nasunog na biktima ng pekeng tubig na binigay ni Yawan.

“Dahan-dahan ninyong ipahid ito sa mga nalapnos nilang balat. At maniwala kayo sa kabutihan ng Diyos, magdasal kayo nang mataimtim. Matutulungan sila ng tubig na ito.” Agad namang sinubok ng isang nakatanggap na banal na tubig sa lapnos niya sa binti.

Napangiti ito. “Nawala ang panghahapdi! At ... ang laki ng nabawas ng pamumula, nawawala na rin ang tubig-tubig.”

“Ang tunay na banal na tubig lamang ang naka­kagawa ng ganyang paggagamot. Ang peke, ang bigay ni Yawan, hindi makakagaling. Kundi makakasama. Tulad nga ng pagkasunog ng mga balat ng mga inosenteng biktima.”

“Isa lang ang ibig sabihin nito, Inang Maria. Wala ngang kasalanan si Nanette. Naniniwala kami sa iyo sa lahat nang sinabi mo. Na pinasama lang ni  Yawan sa mga mata namin si Nanette. Kaya tuloy si Nanette ang sinisi namin at binalak na saktan. Ang sama din ho namin, Inang Maria.” Nagsisisi na ang mga tao.

“Nadala lang kayo ng galit dahil ang mga mahal ninyo sa buhay ay nanganganib. Umuwi na kaagad kayo at ipahid ang mga tunay na banal na tubig sa katawan ng mga biktima. Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with