^

Para Malibang

Unli Tempura ng Tokyo Sakto Lang

BURP - Koko - Pang-masa

Burp Review

Mahilig kumain ang mga Pinoy kaya naman paboritong puntahan ang mga buffet o eat all you can na restaurant. At dahil nauuso na rin ngayon ang mga food park, o parang food court sa mga mall may henyong nakaisip na mag-serve ng unli tempura.

Nasubukan namin ang Tokyo Tempura sa Marikina Crave Park. Mayroon itong Shrimp Tempura all you can sa halagang P199 lang.

Kahit sino’ng makaalam nito na mahilig sa seafood o tempura ay siguradong hindi ito palalampasin.

Maliliit ang tempura na ang batter ay parang ‘yung sa mga regular buffet lang. Nakalagay ito sa styro bowl at secured ng barbecue stick. Crispy naman pero walang lasa ang batter na ginamit kahit asin kaya kailangan talaga itong isawsaw sa tempura sauce. Sakto lang din ang lasa ng tempura sauce at walang masyadong kakaiba. Sana lang ay baguhin nila ang batter recipe or tempura sauce para mas enjoy itong kainin. Burp!

Lasa: 3/5; Presentasyon: 3/5; Presyo: 4/5

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with