^

Para Malibang

Tongs at Microfiber Cloth Panlinis ng Blinds

KUMPUNERONG KUYA - RCL - Pang-masa

Maganda ang blinds dahil bukod sa pandagdag dekorasyon ito sa ating mga bintana ay nakakaharang pa ito ng sikat ng araw.

Maganda rin itong pamalit sa kurtina bilang privacy sa ating mga tahanan. Pero isa ang blinds sa mahirap linisin dahil sa maliliit na gap nito.

Kapag hindi nalinis nang mabuti ang blinds ay maaaring mamuo ang alikabok dito at maging sanhi ng sakit lalo na sa mga bata at may problema sa baga.

Kung ang blinds naman ay nasa kusina o dining, nakakatakot na mapunta ito sa pagkain o niluluto at maaari rin magdulot ng sakit sa ating pamilya.

Kaya narito ang aming simpleng tip para malinisan ang mga maliliit na espayo sa pagitan ng blinds.

Kumuha ng tongs at mag-ipit ng dalawang microfiber cloth sa dalawang sipit nito gamit ang goma. Mas madali nang malilinis ang singit-singit ng blinds gamit ang bagong gawa n’yong panlinis.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with