^

Para Malibang

Maraming Gamit ng Toothpaste

KUMPUNERONG KUYA - RCL - Pang-masa

Alam nating lahat na panlinis ng ngipin at bibig ang toothpaste. Pero maaari rin itong gamiting panlinis sa maraming bagay.

Maaari itong pamalit sa silver cleaner dahil mas epektibo pa itong panlinis sa mga silver na kagamitan at alahas. Ikuskos lang ang toothpaste sa mga silver na nais pakintabin at hinding-hindi na kayo gagamit pa uli ng silver cleaner.

Kung may coffee stain naman ang paborito n’yong tasa ay maaari rin panlinis ang toothpaste. Epektibo itong pantanggal ng mantsa ng kape sa tasa.

Kung ang lipstick o mascara naman ay hindi sinasadyang maipahid sa countertop ng banyo ay hindi rin ito problema basta may toothpaste na nakahanda. Wala ring panama ang mga pangko­loreteng ito sa mukha sa toothpaste.

Basta ang tatandaan lang ay gamitin ang white toothpaste at hindi ang may flavor at gel dahil siguradong hindi ito masyadong epektibo.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with