^

Para Malibang

Sanggol sa Nagyeyelong Bansa, Pinatutulog sa Labas

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Hahayaan n’yo bang matulog sa napakalamig at nag­yeyelong lugar ang inyong mga sanggol o toddler (edad isa hanggang tatlo) na mga anak tuwing tanghali?

Tiyak na hindi mag­da­dalawang-isip sa tanong na ito ang mga magulang mula sa Nordic countries tulad ng Denmark, Finland, Iceland, Sweden, Greenland, Norway, at iba pa dahil karaniwan nila itong ginagawa sa pang-araw araw.

Tuwing winter ay buma­bagsak hanggang -5Cº ang klima sa mga bansa pero karaniwan pa rin na mara­ming magulang ang iniiwan ang mga anak sa kanilang mga stroller sa labas.

Hinahayaan nilang mala­migan ang kanilang mga anak sa labas ng coffee shop habang sila ay humihigop ng mainit na kape o tsokolate.

Kung wala naman sila sa pasyalan ay nilalabas nila ang mga anak nila sa hardin at balkonahe para doon patulugin tuwing tanghali.

Pinaniniwalaan ng mga magulang mula sa Nordic countries na mas titibay at lalakas ang resistensya ng mga anak nila kapag hinayaan nila itong umidlip sa labas at makasagap ng malamig na hangin.

Matagal na itong nagsimula na hanggang ngayon ay pinagpapatuloy pa dahil sa pagiging epektibo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with